Itabi ko ito at 
ituloy sambitin ang katungkulan ñg babai. 
Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang 
kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'y 
inia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay 
ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang 
dalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang 
katapang-tapañga'y kapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na 
datihan ay nagwawalanghiya, na tila walang ina-antay kundi ang 
magasawa para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay 
walang pangtakip sa hina ñg loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan 
dito, nalunok na apdo, nagtitiis ñg tampal, nasunod sa lalong hunghang 
na utos, at tumutulong sa kataksilan ñg iba sa pagka't kung walang 
natakbo'y walang manghahagad; kung walang isdang munti'y walang 
isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigín, ñg 
isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking 
makapag-ampon sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di 
papayag magka anak ng alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, 
maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang 
pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa 
na, ay dapat tumulong sa lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, 
humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at 
alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg bayaning puso, at 
walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan.
Mulatin ang mata ñg anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa puri, pagibig 
sa kapua sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulituliting 
matamisin ang mapuring kamatayan saalipustang buhay. Ang mga 
babai sa Esparta'y sukat kunang uliran at dito'y ilalagda ko ang aking 
halimbawa: 
Nang iniaabot ñg isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito 
lamang ang sinabi: "ibalik mo ó ibalik ka," ito ñga umuwi kang manalo 
ó mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ñg talong natakbo 
ó inuwi kaya ang bangkay sa ibabaw ñg kalasag. Nabalitaan ñg isang 
ina na namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. 
Hindi umiimik kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas 
sa pulá, ñguni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ñg 
siya'y makita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa 
laban, ay ibinalita ñg isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlong 
anak niya,--"hindi iyan ang tanong ko ang sagot ñg ina, kundi nanalo ó 
natalo tayó?--Nanalo ang sagot ñg bayani. Kung ganoo'y magpasalamat 
tayo sa Dios!" ang wika at napa sa simbahan. 
Minsa'y nagtagó sa simbahan ang isang napatalong harí nila, sa takot sa 
galit sa bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. 
Ñg papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang 
mga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kayá ñga't iginalang ng buong 
Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg isa ay kayo 
lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang 
sagot ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg lalaki. Ang tao, ñg 
mga Esparta ay hindí inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa 
kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong 
mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ñg lupang Esparta, at 
walang babaing taga Esparta na nakatanaw ñg hukbo ng kaaway. 
Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: 
maraming taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa 
putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda'y 
magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa 
ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa akin, kahit 
maiklí man. Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan,
paghalili kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang 
pikit-mata, yukó ang ulo at halukipkip ang kamay; ñguni't ang hiling 
ko'y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakalí 
sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi: 
Ang una-una. "Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at 
kapabayaan ñg iba." 
Ang ikalawa. Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ñg pagmamahal sa 
sarili at nasa labis ñg pagkasilaw sa umaalipustá. 
Ang ikatlo. Ang kamangmañga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang 
isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang 
pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na 
susunod-sunod sa talí. 
Ang ikaapat. Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang 
magtagó ñg kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay 
pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, 
ñguní at mahirap baliin ang isang bigkis na walis. 
Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí 
dapat magpalaki ñg anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat 
alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipag 
kakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
