Dios. Dí dapat 
naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí magtanong, makinig sa 
iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito ó sutana'y 
walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito 
ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá kungdí ang 
mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili 
kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. 
Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí magtamad. Lisanin ko ito 
at dalhin ang salitá sa iba. 
Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumuñga'y dapat ang 
babai'y magtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya 
ang magiging supling ng babaing walang kabanalan kundí ang 
magbubulong ng dasal, walang karunuñgan kungdí awit, novena at 
milagrong pangulol sa tao, walang libañgang iba sa panguingue ó 
magkumpisal kayá ng malimit ng muli't muling kasalanan? Ano ang 
magiging anak kundí sakristan, bataan ng cura ó magsasabong? Gawá 
ng mga ina ang kalugamian ngayon ng ating mga kababayan, sa lubos 
na paniniwalá ng kanilang masintahing pusó, at sa malaking pagkaibig 
na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Ang kagulañga'y buñga ñg 
pagkabatá at ang pagkabata'y nasa kanduñgan ñg ina. Ang inang 
walang maituturó kundí ang lumuhod humalik ñg kamay, huwag 
magantay ng anak ng iba sa duñgó ó alipustang alipin. Kahoy na laki sa 
burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakalí't may 
batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tagó at gagamitin sa 
samá, paris ng silaw na kabag na dí makapakita kundí pag tatakip silim. 
Karaniwang panagot ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios. Ñguní at
ano ang kabanalang itinuró sa atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, 
humalik ng kamay sa parí, ubusin ang salapí sa simbahan at paniwalaan 
ang balang masumpuñgang sabihin sa atin? Tabil ng bibig, lipak ng 
tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang 
Dios, may bagay baga sa mundong ito na dí arí at likhá ng Maykapal? 
Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sa kayang 
panginoon ng isang basahang hiram sa nasabing mayaman? Sino ang 
taong dí palaló at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang ang 
salantá niyang kaya ay makabibihis sa lumikhá ng lahat ñg bagay? 
Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain 
sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng 
mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa 
mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa 
yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang 
salaping ito'y pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg 
maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas. 
Ó kabulagan at kahiklian ng isip! 
Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang 
mangyari. "Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; 
"hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí ang 
nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama." Ang kabanalan ay walá 
sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang 
kamay. Si Cristo'y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan 
pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá 
siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, 
at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog 
ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo'y 
ang mga pari'y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At 
gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang 
dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang 
lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa 
bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng 
hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at 
pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man 
ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di 
mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi'y
maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na 
ngá sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba 
pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang 
Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na 
tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y 
pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo 
bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, 
carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, 
ay tumalikod ako sa ganyang Dios. 
Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong 
mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na 
ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng    
    
		
	
	
	Continue reading on your phone by scaning this QR Code
 
	 	
	
	
	    Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the 
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.
	    
	    
