Sa Tabi ng Bangin | Page 3

Jose Maria Rivera
asawa.
--Bulaan ang sapantaha mong iyan, Magdalena, pagka't ang di umibig
sa iyo, ay walang puso, at si Armando ay pinatunayang, lalaki siyang
marunong umibig pagka't hinirang ka niyang maguing asawa na
pipintuhuin....
--Nagkakamali ka Ernesto, pagka't sa puso ni Armando ay di ako ang
sinasamba kundi....
--¿Sino? ¿May iba pa siyang iniibig?
--Oo, mayroon.

--Maaari ko kayang makilala?
--Bakit hindi
--Turan mo, Magdalena.
--Ang "kualta," ang "ginto."
Hindi nakakibo sa gayon si Ernesto, at ang pagkatao'y waring lumayo
sa kaniya, ng saglit.
--¿Di ba totoo Ernesto na kung sa iyo mangyayari ang gayon, kung
ikaw ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo
naman ng pag-ibig din?--ang dugtong ni Magdalena.
--Magdalena, ... gayon nga ang aking gagawin, gayon ang maaasahan
sa akin, datapwa't ... tanto mo marahil na ako mandin ang tanging
linikha ni Bathala upang pahirapan na lamang.
--Ah, Magdalena,--ang patuloy na sabi ni Ernesto,--kung ako ang
palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso,
kung ako ang magkakaroon ng pag-ibig ng isang Magdalena, marahil,
ang aking mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may
maruruming puso.
--Ernesto, ako man ay gayon din. Ako ay nagsapantahang si Armando
ay mapapalitan ng kapua pag-ibig ang aking puso, datapua ako ay
nagkamali: Ikaw at di pala siya ang makapagdudulot sa akin ng gayon.
--Magdalena, Magdalena, ikaw man ay aking ini-ibig, ang sulit ni
Ernesto.
--Salamat Ernesto ito ang unang pagsa-mapalad ko.

IV.
=Pag aalinlangan=

Sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni Ernesto del Rio, ng makatang
laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang
marikit na tahanan ni D. Armando.
Datapwa't, nang siya'y na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag
aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag-aalinlangang
pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang
"Ang Ilaw."
Umulik-ulik ang kaniyang pag-iisip na tulad ng dahon ng kahoy na
linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang-windang
bago pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng
dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng
dalawang balikat.
At ang gayo'y, waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na
pag-iisip niyang hinahan~gaan, pagka't bahagya pa lamang na
nakararaan ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni "Morfeo."

V.
=Pangarap=
Mga ilang sandali ang nakaraan ng ang Pangarap ay nakuhang
magambala ang katahimikang dulot ni Morfeo.
Nangarap nga si Ernesto ng mga sumusunod:
"Umano, si Dn. Armando ay nabalitaan ang paglililo sa kaniya ni
Magdalena at Ernesto, na siyang nagiging sanhi ng panunubok ng
tinurang D. Armando, panunubok na pinagkasanhian ng pagkakatutop
sa kanilang dalawa, na ang naguing wakas ay ang pagpatay ni Armando
kay Magdalena".
--Patawad!--ang pabulalas niyang turing, na siya tuloy ikina-untol ng
pagtulog.

Datapwa't bahagya pa lamang nakapagpapahinga, ay siya namang
pagdapo uli ng isang panaguinip na gayari:
"Nang matapos mapatay ni D. Armando ang kaniyang taksil na asawa,
ay siya naman ang hinarap at pinagsabihan nang:
--"Ernesto, ang ginawa mong iyan sa akin ay walang ibang ngalan
kundi kataksilan.
--"Linabag mo ang aking mga paglingap sa iyo,--ang isinunod ni D.
Armando,--at dahil sa bagay na ito, ikaw ay tumatag.
--"Patawarin mo ako!--ang paluhod na samo ni Ernesto.
--Hindi kita mapatatawad. Sa guinawa mong iyan ay labis na sana
kitang mapatay, datapwa't di ko magagawa ang gayon. Isa sa atin ay
labis sa lupa at....
--Hindi ako makalalaban sa iyo.
--Kung gayon,--ito ang marapat sa iyo, at noon din ay iniakma sa kanya
ang isang Revolvers, datapwa, ng dumating na dito ang panaguinip ay
siya niyang pagkagising na pupun~gas-pun~gas, at ang mga naunang
salitang pumulás sa kanyang bibig ay ang:
--Huag, huag mong kitlin ang aking hininga.
Datapwa't ng masiyahan na siyang di pala kaharap si D. Armando at
ang nangyaring yaon ay panaginip lamang, dinapuan siya ng isang
kalungkutang na ikinalugmok tuloy sa isang panig ng tahanan.
Sumandaling napalagak sa gayong anyo si Ernesto, at pagkatapos ay
nagturing na:
--Hindi, hindi nga nararapat na ako'y mangibig at sangayunan ang sa
aki'y idinudulot ni Magdalena. Di ko dapat gantihin ng pagsusukab ang
mabuting palagay na akin ni Armando. Si Magdalena'y nagkasala, at
kinakailangang ang gayon ay pagsisihan niya.

At noon din ay kumuha siya ng papel at sinimulan ang pagsulat ng
isang Dula.

VI.
=Anyaya.=
Ilang araw na ang yumaon.
Sa lahat ng tanyag na kinakabitan ng mga Cartel ng Teatro, ay walang
nakikita kundi ang nagpuputiang papel na kinalilimbangan ng mga titik
na pula na ang nasasabi'y ang sumusunod:
=Dulaang Makata=
=Unang pagtatanghal ng Dulang tatlong yugto, ng kilalang Makatang
Ernesto del Rio at pinamagatang =
=SA TABI NG BAN~GIN=
¡daluhan! ¡panoorin ang mainam na dulang ito!=
Hapon ng lingo noon.
Sa magandang lan~git ay walang isa man lamang ulap na nakatatabing
baga ó nakadudungis.
Si Ernesto, ay tinun~go ang bahay ni D. Armando, na ng mamasdan sa
mukha
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.