Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan | Page 3

Patricio Mariano
na sa m~ga kabataan
dahil sa m~ga na didin~gig sa matatandá. Wala n~g luhang tumutulò sa
aking m~ga matá, sampu niyang mapait na yaman n~g ating panin~gin
na wari'y nagpapaginhawa n~g kaunti kung dumaloy ay nagkait na sa
aking kapighatian, sapagka't sa dalawang araw na itinan~gis ay natuyo
na mandin, ¡Gaano ang sising bumukal sa aking bibíg, sa dahiláng
ako'y hindi pa malakí! ¡Higantí at higantí ang sumusulak sa aking
dibdib! Higantí sa mayamang gumagá sa aming pagaari at humalay sa
puri ni iná; higantí sa m~ga justiciang hindí nagtangol sa nilupigan,
kundi bagkús nagpahirap sa naapí. Nang ako'y aalis na sa aming bahay
ay siyang pagdating n~g isang taong nagsalita sa akin n~g ganitó:
--¿Ikaw ba amáng ang anák ni máng Mundó?
--Opó.
--Nabatid kong lahát ang nangyari sa inyóng magaanak at natantó ko
rin na ikaw ay ulila n~g lubos. Akó ang naglibíng sa bankay n~g iyóng
iná.
--¡Oh salamat pó.--ang wika kong kasabay ang pagkakaluhód sa
harapan n~g taong iyón.
--Ikaw ay waláng kamaganakan dito, sapagka't ang m~ga magulang
mo'y tagá S. José sa Morong ¿ibig mo bang sumama sa anák ko sa
Maynila upang mag-aral doon? Ikáw ay hindi ko ibibilang na alila,
kundi pinakakasama lamang n~g aking anák; ikáw may magaarál din.
Sa lakí n~g utang na loob ko sa taong iyón ay hindi ako nakasagót, n~g
ayaw kahit lubos na nálalaban sa loob ko ang maging utusán.
Pinasalamatan ko ang himok na iyon at ako'y sumama.

Man~ga iláng araw lamang ang nakaraan, at, iyóng batang patáy gutom,
iyóng ulilang walang kamag-anak ay naging isang nagaaral sa S. Juan
de Letran at kasakasama kahit saan pumaroon ng isang kapwá batang
anák ng matandáng maawaín. Hindí alilang utusán ang kanyang lagáy
kundi isáng anák dín n~g nagaampon at kapatid n~g kaniyang anák.
Nagdaan ang pitóng taón, at sa panahóng iyón mandín ay naparam sa
alaala ko an~g aking karukhaan at ang kahapishapis na kinahinatnan
niyong m~ga sawing palad kong magulang at nákatulog warí sa loob
n~g aking batang puso iyong higantíng halos sinunpaan ko sa sarili.
Dátapwa't dumating ang isang araw na kaming dalawang nagaaral ay
naanyayahang dumaló sa isang piging sa daang Dulumbayan sa
Maynila at doon ay dumaló rin ang isang kasama namin sa Colegio na
kaakbáy ang kaniyang amá, na, mula n~g dumatíng ay waring pumasok
sa loob kong ang pagmumukháng iyón ay aking naaalala. Inanyayahan
kaming kumain at sa paguupuan sa dulang ay nápasiping sa akin ang
matanda. Iláng salitaan ang nábuksan at sa isang paguusap n~g ukol sa
m~ga bayánbayán ay napasalin~gít ang pagkakakílala na kami'y
magkababayan.
--Iyan man po'y kababayan din natin--ang turing n~g anák ng
nagampon sa akin at itinuro akó sa mantanda.
--¿Ito?--ang tanóng na wari'y may muntíng pagkakamangha n~g
kinausap at ako'y pinagmasdan--tila n~ga naaalala ko ang mukhang itó
¿nagaaral din bang kasama ninyó?
--Opo ang tugón n~g aking kasama--iyán po ang anák ni máng Pitong
at ni aling Mensia.
--¡Pitong, Mensia!--anáng--matanda na wari'y hinahalungkat sa
kaniyang pagiisíp ang gayóng m~ga pan~galan--¡Ah! naalala ko na,
kung gayón ay itó ang anak ng nagnasang mangloob sa akin.
Nang madin~gig ang sabing iyon ay nalitó akó, ang lahat n~g dugo ko
mandin ay sumulák sa aking mukha at ang noo ko'y nagalab.

Sa isang kisáp matá halos ay tuminbuang ang matanda sa tabí n~g
dulang dahil sa sugat na gawa n~g sundang na kagamitán sa pagkain.
Ang sumunod na bumulagta sa isá pang saksák ay ang anák na
nagnasang magsangalang sa amá.
Pagkatapos niyón, ako'y nagtatakbó na hindi alám kun saan tutun~go,
at daig ko pa ang ulol.
Ako'y hindi nahuli at nakarating akó sa Novaliches n~g gabí ring yaón.
Nang kinámakalawahán ay isá na akó sa inyó at magmula niyón ay ...
--Nagbago ang palakad--ang putol ni Patíng--magmula niyon ay
dumalang na ang panghaharang sa m~ga daanan, n~guni't lumimit ang
paghahati n~g m~ga salapíng nágagahís sa pangloloob. Magmula noo'y
bayan ang tirahan n~g lahát, ang bundók ay nagíng isáng tagpuan n~g
m~ga magkakasama at ang yun~gíb na dating tahanan n~g m~ga
pinaguusíg n~g civil ay naging tahanan n~g m~ga binibining binibihag,
na matapos maalagaang wari'y m~ga princesa ay pinauuwing hindi
man pinakikinaban~gan n~g sino man sa atin at wala mang tubós. Itóng
ating inaabatan n~gayon na ilang sandali na lamang at ikakasal, ay
babantayan na namán marahil at pagkatapos ay ibabalik na muli sa
kaniyang magulang n~g ... walang anó man.
--Ang gayon ay hindi dapat ipagdamdam n~g isá man sa inyo,
sapagka't kahit hindi ko hinihin~gan n~g tubós ang m~ga binibining
binibihag ay hindi namán nawawala ang inyong kahati sa pagpapagod.
--Oo, n~ga po; n~guni't ang dinaramdam naming lahat ay ang hindi mo
man lamang pinakikinaban~gan ang m~ga bihag na iyán, dahil sa kung
makaraan ang dalawang araw sa pagkakapiit at matanong mo kung may
isá man lamang na lumapastan~gan, umaglahi ó nagkulang sa balang
násabi ay pakakawalan mo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.