Ibong Adarna | Page 2

Not Available

Sa Dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na
cabunducan.
May cahoy siyang naquita na tantong caaya-aya, sa caagapay na ibá siyang tangi sa lahat
na.
Ang daho'i, sacdal nang inam para-parang cumiquinang, diamante'i, siyang cabagay sa
mata'i, nacasisilao.
Ang naisipan nga niya sa loob at ala-ala, doon na tumiguil bagá itong príncipeng masiglá.
Ang nasoc sa calooban ang cahoy na ito'i, siyang marahil hinahapunan nang ibong cong
pinag-lacbay.
Ay ano'i, nang gagabi na ang Arao ay lulubóg na, madláng ibo'i, narito na at manga cauan
ang ibá.
Sa gayóng daming nagdaan ualang dumápo isa man, naguló ang gunam-gunam nitong
príncipeng timtiman.
Ganitong diquit na cahoy ualáng ibong humahapon, aco'i, dito nalingatong paghihintay
cong malaon.
Ang nasoc sa ala-ala sa loob niyang mag-isá, ang siya ay magpahingá at búcas lumacad
siya.
Humilig nanga't, sumandal doon sa cahoy na mahal, sa malaquing capaguran siya'i,
tambing nagulaylay.
Ay ano'i, nang tahimic na ang gabí ay lumalim na, siya nangang pagdating na niyong
ibong encantada.

Dumapo na siyang agad sa cahoy na Piedras Platás, balahibo ay nangulág pinalitán
niyang agad.
At capagdaca'i, nagcantá itong ibong encantada, ang tinig ay sabihin pa tantong
caliga-ligaya.
Ang príncipe ay hindi na nacaringig nang pagcantá, pagtúlog ay sabihin pa himbing na
ualang capara.
Ang sa ibong ugali na cun matapos na magcantá, ay siyang pag-táe niya at matutulog
pagdaca.
Sa masamáng capalaran ang príncipe'i, natai-an, ay naguing bató ngang tunay ang
catauan niyang mahal.
Di anong magágaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring
caniyang amá.
At nang maguing isang-taon na hindi dumarating bagá, inutusan capagdaca si don
Diegong pangalauá.
Sumunód at di sumuay sa hari niyang magulang, iguinayác capagcuan cabayo niyang
sasac-yán.
Pagca-handa'i, lumacad na cabunducan ang tinumpá, at hahanapin nga niya ang bunying
ibong Adarna.
Mahiguit sa limang buan nag-lacad niya sa párang, hindi naman maalaman ang Tabor na
cabunducan.
Nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong príncipeng
masiglá.
Sa masamáng capalaran nang dumating sa ibabao, nabual nanga't, namatay ang cabayong
sinasac-yán.
Di anong magagaua pa sa cabayong namatay na, ang báon niya'i, quinuha at lumacad
capagdaca.
Nang siya'i, dumating naman sa Tabor na cabunducan, may cahoy siyang dinatnan diquít
ay di ano lamang.
Nang caniyang mapagmalas ang cahoy Piedras Platas, ang dahon ay cumiquintáb diquít
ay ualang catulad.
Ang nasoc sa ala-ala nitong príncipeng magandá, cahoy na caaya-aya hapunán niyong
Adarna.
Sa puno nang cahoy baga may bató siyang naquita, cristal ang siyang capara nacauiuili sa
matá.
Doon niya napagmalas ang cahoy na Piedras Platas ang balát ay guintóng uagás anaqui'i,
may piedrerías.
Sa toua niya't, ligaya sa cahoy niyang naquita, oras nang á las cinco na madlang ibo'i,
nagdaan na.
Sa gayong daming nagdaan manga ibong cauan-cauan, ualang dumapo isa man sa cahoy
niyang namasdan.
Ganitong diquit na cahoy ualang ibong humahapon, ito'i, di co mapagnoynoy
cahalimbaua co'i, ulól.
Ang cahoy na caagapay mayroong ibong nagdaan, ito'i, siyang tangi lamang bucód na
hindi dapuan.
Cahit anong casapitan ay hindi co tutugutan, na cun anong cabagayán sa cahoy na gaua't,
laláng.

Ay ano'i, nang lumalim na ang gabí ay tahimic na, doon sa batóng naquita ay nangublí
capagdaca.
Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang paghihintay, siya na nganing pagdatál nang ibong
Adarnang mahal.
Dumapo na nganing agád sa cahoy na Piedras Platas, at naghusay nangang caguiat
balahibong sadyang dilág.
Sa príncipeng napagmasdan ang sa ibong cariquitan, icao ngayo'i, pasasaan na di sa aquin
nang camay.
Ay nang macapaghusay na itong ibong encantada, ay siya nangang pagcantá tantong
caliga-ligaya.
Sa príncipeng mapaquingan ang voces na sadyang inam, capagdaca'i, nagulay-lay sa
caniyang pagcasandal.
Sino cayang di maidlip sa gayong tinig nang voces, cun marinig nang may saquít ay
gagaling siyang pilit.
Macapitong hintó bagá, ang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong
maquiquita.
Nang matapos nganing lahat yaong pitóng pagcocoplas, ay tumáe namang agad itong
ibong sadyang dilág.
Sa casam-ang capalaran si don Diego ay natai-an, ay naguing bató rin naman cay don
Pedro'i, naagapay.
Di anong magagaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring
caniyang amá.
Hindi niya mautusan ang anác na si don Juan, at di ibig mahiualay cahit susumandalí
man.
Si don Jua'i, naghihintay na siya ay pag-utusan, aayao tauaguin naman nang hari niyang
magulang.
Siya nanga'i, nagcusa na dumulog sa haring amá, nag-uica capagcaraca nang ganitong
parirala,
Aco po'i, pahintulutan nang haring aquing magulang, aco ang quiquita naman nang iyo
pong cagamutan.
Ngayon ay tatlóng taón na hindi dumarating bagá, ang capatid cong dalaua saquít mo po'i,
malubha na.
Ang sagót nang haring mahal bunsóng anác co don Juan cun icao ay mahiualay lalo co
pang camatayan.
Mapait sa puso't, dibdib iyang gayác mo't, pag-alís, hininga co'i, mapapatid cun icao'i, di
co masilip.
Isinagót ni don Juan ó haring aquing magulang, sa loob co po'i,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 24
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.