Florante at Laura | Page 2

Francisco Balagtas
sumakastila ng "Florante"--ay siyang tinutukoy. Kami ang sa kanya ay nakapagpahiwatig, upang mapawi ang maling paniwala, na "wala na ngayong Floranteng limbag nang buh��y pa si Baltazar." At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang makuha--sa paano man--ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay na kahinahinayang.
Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...
Sakaling nasira na nga.
Nguni't gayon man ay may sukat na rin tayong dapat ikaaliw; ang siping naingatan namin. Pagkakapag-ingat, na maituturing nating isa na ring tunay na kapalaran, at siping walang munti mang pagbabago, palibhasa'y pinag-ingatan naming ilagay pati ng kanyang maliliwanag na kamalian sa limbagan at di dinagdagan, ni kinulangan, ng kahi't na ano.
At ang siping iyang sa huli'y linagyan namin ng mga paliwanag ay siyang ngayo'y inihahandog namin sa tanang magiliwin at mapagmahal sa walang kamatayang "Florante at Laura".
Maipaliliwanag naming buh��y pa ang dakilang Makata ay nasasaulo nang mabuti ng kanyang mga anak ang "Florante at Laura". Paanong di magkakagayon ay sa pati ng iba't iba pa niyang akda'y nasasaulo rin? Ang "Florante" pa nga ba ang di mapapakintal sa kanilang ulo? At ang "Floranteng" nalalaman nila at mapahangga ngayo'y sariwa pa sa isipan ay isang saling ayon din sa kanilang ama ay siya niyang tunay na gawa. Dito natin mapagkukuro kung bakit walang kamalian sa mga huling labas ng "Florante", na di ang di mapupuna nila.
Kaya, nang ang ilang kabaguhang napuna namin, dahil sa masusing pagsusumag sa "Kun sino ..." at sa siping nasa amin ay maipakitang isaisa kay G. Victor Baltazar--anak na lalaki ng Makata at siyang pinakamatanda sa tatlong nabubuhay pa hangga ngayon (Victor, Isabel at Silveria), na laging nasa amin, tumitigil ng buwanan at lingguhan, dahil sa kalimitan nilang magpagamot dito sa Maynila, gayon din ang dalawang apong dalaga ni Balagtas, na sina Pepita at Vicenta[I.], anak ng Victor[II.]--; ang mga kabaguhang nadaliri ay pinatunayang "iba nga at di siyang nasa matandang nasasaulo nila". Nguni't, hindi naman napagpakuan namin ng tingin ang lahat, kundi ang madla lamang lalong mahalaga. Ni ang mga kamalian man ng pagkakalimbag sa siping nasa aming kamay ay di rin napag-usapan.
At ang lahat nang kaibhang iyan at kamalian ay siyang naging sanhi ng mga paliwanag namin sa dakong huli.
CARLOS RONQUILLO
Maynila, 10 Septiembre 1921.
[I.] Namatay noong ika 21 Sept. 1921.
[II.] Namatay noong ika 12 Dis. 1926.
-Alberta Balmaseda, asawa ni Victor, namatay noong Marso, 1921.

FLORANTE
at
LAURA
Sipi sa lumabas noong buh��y pa ang dakilang Makatang may akda, na linimbag sa "Imprenta de Ramirez y Giraudier" noong 1861, at linagyan ng Paunang Salita at ng mga Paliwanag
ni
CARLOS RONQUILLO
Kaparis na kaparis ng ipinamana ng Makata sa kanyang mga anak, na sariwang nakikintal sa kanilang isip magpahangga ngayon

MAYNILA 1921

Pinagdaanang Buhay
ni
FLORANTE at ni LAURA
sa
Cahariang Albania
Quinuha sa madlang "cuadro hist��rico" o pinturang nag sasabi sa mga nangyayari[1] nang unang panah��n sa Imperio nang Grecia, at tinula nang isang matouain sa versong tag��log.
Reimpreso-Manila Imprenta de Ramirez y Giraudier 1861
* * * * * Sa dakong huli ay may mga paliwanag na makikita, na aming ginawa, bukod pa sa mga sariling paliwanag ni Baltazar sa kanyang akdang ito. Lahat nang may bilang na ganito ay siyang amin, na pinagsunodsunod sa dakong huli. At ang paliwanag sa bilang na ito (1) ay makikita sa unahan ng lahat nang paliwanag namin.

CAY CELIA
Cong pag saulang cong basahin sa isip[2] ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig, may mahahaguilap cayang natititic liban na cay Celiang namugad sa dibdib?
Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban baca macalimot sa pag-iibigan; ang iquinalubog niyaring capalaran sa lubhang malalim na caralitaan.
Macaligtaang co cayang di basahin[3] nagda��ng panah��n n~g suyuan namin? caniyang pagsint��ng guinugol sa aquin at pinuhunan cong pagod at hilahil?
Lumipas ang arao na lubhang matamis at ual��ng n��tira condi ang pag-ibig[4], tapat na pag suyong lalagui sa dibdib hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip.
N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila ang guinagaua cong pag-alio sa dusa nag daang panaho,i, inaala-ala, sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua.
Sa larauang guhit n~g sa sintang pincel cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim,[5] nag-��isang sanl��ng naiuan sa aquin at di mananacao magpahangang libing[6].
Ang caloloua co,i, cusang dumadalao sa lansan~ga,t, n��yong iy��ng niyapacan sa ilog Beata,t, Hilom na mababao yaring aquing puso,i, laguing lumiligao.
Di m��macailang mupo ang panimdin sa puno n~g mangang n��raanan natin, sa nagbiting bun~gang ibig mong pitas��n ang ulilang sinta,i, aquing in��aliu.
Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit, himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git Paraiso nam��n ang may tulong sil��d.
Liniligauan co ang iyong larauan sa Macating ilog, na quinalagui-an[7] binabac��s co rin sa masay��ng doon~gan, yapac n~g pa�� mo sa bat��ng tuntun~gan.
Nag babal��c mandi,t, parang hinahanp dito ang panah��ng masay��ng lumipas na cong maliligo,i, sa tubig ��agap, nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat.
Parang naririn~gig ang lagu? mong uica "_tatlong arao na di nag tatanao tama_" at sinasagot
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 31
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.